spotted: a new poker house
April 17, 2010
First of all, this is not a paid post. I’m not being paid by the establishment to do this, but if they do want, they can donate on my PayPal account.wahe. Just wanna share the new poker house by the name of Poker Royale located alongside Traders Hotel in Roxas Boulevard. I learned from one of the staff that the place was running for a month, and they are still in soft openning mode. The poker house is inside a two storey building. As of the moment only the ground floor is filled with 6 small tables and one tourney size table. And the staff told me, if I remember it right, that they will be adding more tourney size tables to be place on the 2nd floor or on the ground floor.
Yeah, as far as I can notice, the place is still really new. By the looks of it; the entrance is still to be installed a CCTV cam (the holder and cables are ready execpt for the cam itself) ang their website at www.pokerroyale.ph is still unavailable. Inside, the venue is smaller compared to, ahmm… MBC in MOA, hence of the smaller size tables. You’re really be havin a friendly game with each player sitting side-by-side with a couple of inch distance. But, when I play, I prefer this kind of set-up ’cause I like to be in a funny table.LoL. The table is much more dealer friendly to ’cause the dealer wouldn’t haveto stand and extend to much of their limbs to deal cards and get chips.
Poker Royale offers the same complementary service other poker house has to offer; free unlimited ice tea and coffee, tha’ts really one thing the encouraged me to enter my first poker experience.hehe.. Where else could you drink ice tea and coffee bottom less, and take note even if your not playing, but at a friendly poker house. LoL. I liked the ambience as well. But one thing I really liked about Poker House, which for me made it better than MBC is that one can play for a minimum buy-in of 200 pesos. Whew! how good is that for a marketing strategy, it will encourage beginners to play the game.
So that’s it for now. Again I’m not a poker addict or some sort. I admit, I’ve only been inside 2 poker house, MBC and PR, I can say that I like the latter the most. So friends see you at Poker Royale’s poker tables. And before i really end thos post, I’d like to show my lucky winning hand combination for the night. \m/
“Everybody who sits and plays in a poker game is a liar. Everybody is a liar around the the poker table.“ -maskisa
Ikaw… Kayo… Ako… Sila…
October 8, 2009
Bago ang lahat, nais kong ipakilala sa inyo ang isang bagong karakter sa “MASKISA“… si maskiBOT… isang robot na gawa sa karton… gawa ng isang pinoy… isang pinoy na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok… isang pinoy na pasaway… ang layunin ni maskiBOT ay makapagbigay ng inspirasyon sa lahat lalo na ‘yung mga naging biktima at mga napinsala ng nakaraang mga sakuna… (kahit na mga pasaway kayo)…
Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre ay siya ring pagpasok at simula ng pagbabago (kung meron man). Ilang linggo na rin ang lumipas matapos ang pagdaan ng magkakasunod na kalamidad. Ang tanong..Ikaw, kayo, ako, sila??? may pagbabago ba?
Sa aking pagsubaybay sa mga nakalipas na mga pangyayari ay tila wala akong napansing kakaiba. Sa aking palagay normal pa rin ang lahat. Ang pananalasa ng mga bagyo, lindol, baha atbp ay maituturing na parte ng normal na sistema ng kalikasan… ..na siya namang may kaakibat na mga hinaing, sisihan, turuan atbp… ang mga ito ay maituturing ko pa ring normal… ang mga taong apektado.. mga biktima ng kalamidad… ay normal din. Ang mga taongnagibibgay ng tulong ay pawang normal din. Lahat na yan ay normal lang. Hindi ba pwedeng maging abNormal naman?
Hindi naman kailangan na walang maapektuhan tuwing may kalamidad pero sana kahit papaano eh mas konti kesa sa normal. Hindi ba pwedeng walang sisihan, turuan atbp? Kung maysisisihin ay simulan sana sa sarili. Oo! Ikaw, kayo, ako, sila dapat kung maninisi ay wag sa iba kung hindi ay sa ating sarili. Ang kapabayaan ng bawat isa ang nagdulot ng matinding perwisyo.
Ang mamayan sinisi sa gobyerno ang gobyerno sinisisi sa mga mamamayan kung bakit umabot sa pagkitil ng buhay ang mga nagdaang trahedya. Pero ano ba ang dahilan kung bakit maraming ang dumanas ng katulad sa larawan sa itaas? BAHA! Baha ang sanhi, hindi bagyo. Ngayong anong sanhi ng baha? Isipin mo minsan na nagtapon ng kapirasong papel, balat ng kendi, tirang pagkain, upos ng sigarilyo atbp mga katulad. Oo! Ikaw, kayo, ako, sila ang mga pawang may kagagawan ng matinding pagbaha na kumitil sa mga inosenteng buhay at nanira ng mga kabuhayan.
Ngunit, meron din namang mga suliranin na sana ay nabigyan ng solusyon kung gusto lang talga ng bawat isa.Lalo na kung gusto talagang makatulong at makaiwas sa mga darating pang pagsubok. Ito ay ang ilan sa mga nais kong bigyan ng pansin: (P=problema, S=sulosyon)
P: Pagbaha
S: Palilinis ng kapaligiran. Pamumuhay ng nararapat para sa sarili at sa lipunan. Isipin ang mga maaring maidudulot ng inyong gagawin…para sa sarili at nakararami.
P: Kakulangan ng mga rubber boat, bangka na pwedeng magamit sa pagliligtas.
S: Hindi lahat ng mga apektado ng baha ay malakas ang agos kaya hindi kailangan ang mga de-motor na bangka. Bakit hindi hingian ng tulong ang mga naglalakihang kumpanya ng mga barko. Sa dami na kanilang mga life raft at rubber boats ay siguro sapat na para hindi dumami ang mga nasawi dahil hindi nasagip. Isipino nyo kahit sa isang pampasaherong barko ay may sapat na na rubber boat at salbabida pati mga tauhan.
P: Sa mga relief goods operation at evacuation
S: Hindi kailangan nakikita sa media ang mga ginawang pagtulong. Kung nagkaisa lahat ng organization ay napadali sana ang pag kokontrol sa mga relief operation. Pambihira mga kakandidato sa darating na eleksyon. Siguro kung walang eleksyon ay mas konti pa ang mga donasyon. Pati mga istasyon ng mga telebisyon nagpapatalbugan. Anak ng teteng!
Ilan lamang yan sa mga napuna ko na pwedeng magawan ng sapat na paghahanda para sa mga darating pang mga sakuna. Hanggang dito na lang itong post na ito.
napuna ko kay DARNA
September 9, 2009DISCLAIMER: Ang inyong mababasa at makikitang mga pag-puna ay walang kinalaman sa paninira. Gusto ko lang ibahagi sa mga mamayan ng internet ang mga nakita kong kakaiba sa mga superhero lalong-lalo na kay Darna. Ang mga naisulat ko sa ibaba ay hindi paninira sa Darna at sa mga tauhang gumaganap dito.
….hindi naman talaga ako isang kritiko pero mabilis lang talaga makapuna ang aking mata at utak ng mga bagay-bagay na sa tingin ko ay may kakaiba….
…kagabi gaya ng nakagawian ko kapag walang raket eh nanuod ako ng Darna habang hinihintay ang pag-uwi ni LV. Sa aking panunuod eh tila may napansin akong kakaiba kay Darna. Hindi ko alam kung may nakapansin na din ibang manunuod dito. Medyo bubutingtingin ko ang mga pagiisip ng mga fans ni Darna.
Alam naman ng lahat na ang mga superhero ay ang mga nilalang na pinaka-mabilis magpalit ng kasuotan o kostyum. Ang iba nga eh umiikot lang at….dyyyaaannnaannnn…. superhero na… At ka-akibat ng pagpapalit ng mga anyo nila eh, otomatik na nag-bubulag-bulagan na ang mga sibilyan na kasama ng mga superhero kapa sila ay nasa normal na anyo. Ang ibig ko lang sabihin eh kapag sila ay superhero na eh hindi na sila nakikilala ng mga kaibigan nila. Iyan ay ang kaunti sa aking mga napansin sa mga superhero.
Mabalik tayo kay Darna, alam n’yo bang si Darna ang mayhawak ng kasalukuyang rekord ng babaeng superhero na siyang pinaka-mabilis magpalit ng kasuotan? Sa aking napansin sa tuwing si Narda ay magpapalit anyo bilang Darna eh meron siyang baon palaging isa o dalawang extrang (salawal/saplot) underwear. Sa sunod na manunuod kayo o magbabalak manuod ng Darna eh subukan ninyong tingnan ang aking sinasabi. Pero sa mga walang panahon at ayaw lang talaga manuod ay eto ang ilan sa mga eksena na ginawa kong larawan mula sa Youtube.com :
pamahalaanG MAgulo
September 6, 2009….hindi nako nagtataka at naging magulo at magiging magulo pa ang takbo ng gobyerno sa Pilipinas ngayon. Simula sa mga SK, barangay hanggang sa pinakamataas na posisyon sa larangan ng pamamahala ay may kanya-kanyang paraan para sa pansariling interes. Lahat sila may gustong gawin na nagpapagulo lalo sa sitwasyon dito sa bansa natin. Hindi na rin kaila sa akin na ganito ang nangyayari dahil meron tayong pamahalaanG MAgulo na pinamumunuan pa ng isang pangulonG MAgulo.
…oo nga meron naman nagawang mga proyekto ang nasabing pangulo pero suma-total eh magulo pa din ang tingin ko…isang halimbawa dito na nagpapagulo eh ang pag dedeklara ng mga kaliwa’t kanang holidays…. dahil sa pagbabago ng mga nakagawian ng mga holidays eh nawawalan ng saysay ang orihinal na araw dapat ng isang naturang holiday… dahil sa magulong batas eh magulo na din ang mga holidays..
maGulo
Magulo
mAgulo
…isa pang aking ipinagtataka eh nag deklara na naman ng holiday bukas para sa libing ni “Ka Erdy”…hindi ko naman talaga kilala si “Ka Erdy” at ako ay nakikiramay bilang isang katoliko…pero hindi ko talaga lubos maisip kung bakit pa kailangang ideklarang holiday sa araw ng kanyang libing….kung ako hindi ko siya kilala eh pano pa yung ibang hindi rin nakakakilala at magtataka na lng kung bakit nagdeklara ng holiday…. at ang talagang nagpagulo sa aking isipan eh kung bakit ang bilis mag deklara ng holiday ng pamahalaanG MAgulo para sa isang tinuturing na spiritual leader pero kay Mama Mary eh wala…. talagang
maGulo
Magulo
mAgulo
ang laptop ni Jose Rizal…
September 1, 2009…kahapon holiday…walang pasok..national heroes day…gusto ko sana magpost kahapon tungkol sa mga bayani kaso walang napasok sa utak ko…
…at tamang-tama naman ngayon kahit huli eh may mailagay akong may kinalaman sa bayani.. kahit papaano…
…nakiusap ang aking pinsan na gawan ko siya ng artwork na may kinalaman kay Jose Rizal…ang tema ay “kung sa panahon ni Rizal eh may computer na”… hindi ko talga alam kung paano isasakatuparan yaon… naghanap-hanap ako sa internet ng kung ano-anong bagay na maari kong magamit para makamit ang ninanais ng aking pinsan… kahit lumang litrato ni Rizal na pwedeng magamit ay mahirap hanapin…
Pag-ibig at Pagtitiwala
August 21, 2009Hindi ko alam kung tungkol saan ang itatype ko dito ngayon… gusto ko lang maglagay ng kahit ano pero hindo ko alam kung ano, kaya naisip kong magbisi-bisita ng iba pang blog at ang isa mga napansin ko ay ang mga paksa karaniwan as pag-ibig…LoL… kaya pumasok sa isip ko ang isang pangyayari noon…
—
Morning break noon sa aking pinapasukang kolehiyo. Nakagawian na noon tuwing break eh kasabay na din ang pagyoyosi. Kanya-kanyang kumpulan upang makipag palitan ng kuro-kuro sa kahit anong paksa. Noong araw na yun eh ako ang nakauna sa isang hot spot, sa may gilid ng gusali.
Sa kasagsaran ng aking pagpapalipas oras ay lumapit ang isa sa aking mga kaibigan, si PJ. Tanda ko pa ang paksa namin noon, tungkol sa world cup dahil mangila-ngilan lang naman sa amin ang mahilig noon. Nakuha pa namin ang magpustahan kada laro. Ngunit wala ding nangyari kasi puro bawi-bawi lang ang panalo.
Hanggang sa bumitaw ng tanong si PJ:
PJ: Pre, pwede bang humingi ng opinyon sayo?
Maskisa: Geh, tungkol saan?
PJ: …sa pag-ibig at pagtitiwala
Maskisa: hmmmm… mukang malalim yan ah… dapat kay doktor lab ka magtanong….
→about
![]()
![]()
![]()
→support ME
→search
→latest
→archives
Sponsored Links
→popular
- The Life Story of a Champion (13489)
- TOTUS TUUS MARIA (812)
- napuna ko kay DARNA (741)
- ang laptop ni Jose Rizal… (545)
- Sagicorpio — being a cusp (412)
- latest Twitter API for Pinoys & Pinays (408)
- Pag-ibig at Pagtitiwala (374)
- Bobong Pinoy T-Shirts (370)
- TODO PATINTERO Press Release (369)
- GARAGE BAZAAR SALE AD (364)
- GLOBAL PINOY BAZAAR 2009 (346)
- Little Hayden Kho (333)
- "MAY ARAW DIN KAYO" — CdQ (323)
- Ikaw… Kayo… Ako… Sila… (275)
- i scream "ice cream" (267)
- pamahalaanG MAgulo (256)
- Mahiwagang PAYONG (231)
- A love story (illustrated) (231)
- Self-Evaluation (226)
- Inspired by MLQ (216)
- Japanese break wi-fi security in 60 seconds (215)
- I just remembered… my computer thoughts (214)
- Hackers scalp Apache, SSH hits the fan (197)
- PacMan rock-on! (196)
- Bloggable (195)













