maskisa

North Luzon Loop 2010. I SURVIVED!

April 7, 2010

 SPECIAL EDITION POST

 My Lakbayan grade is B (from B-)!
How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!
Created by Eugene Villar.

 

     Woohooo… sa wakas matapos ang ilang araw na pag-iintay… naka pag internet din! Salamat kay Mr. Ruiz ng PLDT quick response team at naayos kaagad ang linya ng DSL dito sa aming lugar. Para sa isang taong tulad ko na wala ng ibang magawa sa pang araw-araw eh ang internet na ata ang isa sa mahusay na tambayan. Dito ako nakakapaglabas ng mga iniisip… so simulan na ang Holy week report….Pasensya na sa mga hindi nakakaintindi ng tagalog pero pakiramdam ko ngayon masarap magsulat sa tagalog (taglish siguro)… pa translate nyo nalang kung gusto nyo talagang maunawaan… hehe

      Haaysss sa wakas din ay na-improve ko na ang aking LAKBAYAN rating mula sa B- ngayon tsseeerreeenn…. B traveler na daw ako. Well actually, hindi naman talaga ako dapat sasama sa North Loop 2010 challenge ng ClubR150 pero dahil sa wala naman akong ibang pupuntahan noong nakaraang semana santa at naisip ko din na itong paglalakbay na ito ang magiging alay na sakripisyo ko para sa paggunita ng semana santa. Kaya ayun naisipan kong mag-backride kay Mushroom para makasama sa north loop 2010.

     Nagsimula ang biyahe namin papunta sa unang sleep over namin sa Tuguegarao na may kabuuang 17 motor at limang backride (4 na babae at akp nagiisang lalaki). Pero dahil sa dalawang di inaasahang pangyayari kina Boy Yaman, Boy Semplang at Boy Tutok eh napaatras pauwi pabalik ng Maynila si Boy Pamahiin kasama ang isa pang motor nya na pinadrive nya sa kaibigan nya.

     Ang unang aksidente ay ng gitgitin si Boy Yaman ng isang dyip hanggang sa magutter siya at tuluyang tumumba kasama ng Php 300K nyang scooter. Buti na lang at buhay siya at medyo nabawasan ang halaga ng kanyang scooter dahil sa ilang gasgas. Ang sumunod naman ay ng madulas umano si Boy Semplang sa langis at natumba siya kasama ng kanyang motor at sa kasamaang palad ay na dunggol ni Boy Tutok at nasagasaan nya ang kamay ni Boy Semplang. Buti na lang ays sugat at maga lang ang natamong pinsala ni Boy Semplang, pero ang headlight ng kanyang motor ay basag. Pero tuloy pa din ang paglalakbay. Kaya pa daw ika nga. Kelangan lang mapaayos ang motor sa susunod na bayan.

      At ayun naayos na nga, pero bago pa man makarating sa Tuguegarao ay naaksidente ulit si Boy Semplang at kailangan na namang ipaayos ang kanyang motor at magpahilot pag dating sa Tuguegarao. Ay bahay nga pala na tinuluyan namin ay kay Mushroom kay nagpapasalamat kami sa pagpapatuloy nila sa amin. Nakabawas din sa gastusin iyon.hehe… Kaya naman feel at home kaming lahat kahit na masakit ang mga pwet namin…. Oo talaga, unang beses ko lang umupo sa motor na 12hrs ay talagang hindi ko na maramdaman yung pwet ko. Tsaka kung ano yung huling porma mo eh ganun na din yun hanggang sa pagbaba mo. LoL

 

 

      At dahil nga nasa Tuguegarao na kami ay sinulit na namin ang pagkakataon para mamasyal saglit at mag piktyu-piktyur:

   

      Matapos ang Tuguegarao ay sunod naming tinahak ang daan papuntang Pagudpud, Ilocos Norte. Sa aming pangalawang gabi ay kami ay nagpalipas sa Sanchez Mira. At dahil natural nga na may masira na motor, ay bibong bibo naman ang aming chief mechanic na si Boy Alak. Dahil hindi siya nakakagawa ng walang ALAK-san. At talaga nga namang bilib ako sa ALAK-san ni Boy Alak dahil magdamag nilang trinabaho ang motor ni Boy Susi. Nakalimutan kong sabihin na dahil sa pagresponde ni Boy Susi sa pagsemplang ni Boy Semplang ay nahulog niya ang susi ng motor niya, pero buti nalng kasama nga namin si Boy Alak kaya nagawan agad ng paraan. So ayun nga inaayos nila ang motor ni Boy Susi magdamagan kasi ang oras ng alis namin ay 5 am nga madaling araw paakyat sa Pagudpud. So ayun ibig sabihin eh bumyahe kami na sila puyat at medyo nakainom. hehe…

 

     Kaya naman pagdating sa piktyuran sa arko ng Ilocos Norte ay hindi kasama si Boy Alak. Nag powernap ata.hehe:

 

     At eto naman ang tatlong maskeeter. Eto lang ata ang piktyur nilang tatlo:

 

      At ang mga sumusunod na mga larawan ay kuha sa Patapat bridge hanggang sa Pagudpud kung saan namin naabutan ang mother group ng Suzuki riders club ang PSRC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

     At syempre palalagpasin pa ba namin ang mga windmills at mga alon ng Bangui? Kahit na nahati ang grupo namin dahil nagkawalaan eh papiktyur padin saglit. Yung isang grupo grupo eh napadpad sa windmill number 8 na ata, samantalang kami ay nasa pinaka unang windmill. hehe… At talaga namangmalakas ang hangin at alon doon…

    

 

     At dahil nga nahati na naman at nahati naman sa dalawa ung grupo namin eh… at dahil nadin sa tindi ng init ng araw eh talagang napagpasyahan na na sa Laoag na magkita-kita para makapag tanghalian na din. Ngunit sa di inaasahang dahilan eh nahati na naman sa tatlo ung grupo namin kasi kami ay sumaglit pa sa Lighthouse ng Cape Bojeador. hehe… dapat kasi ay sama-sama kaso yung naatasang humabol sa pinakaunahan ng grupo ay humabol pala agad sa amin paakyat ng lighthouse. Kaya ayun isang mabilisang pagpanhik ng lighthouse ang aming ginawa. hehe kaya nag papiktyur na para lang masabi na may piktyur sa lighthouse. hehe

     Kaya ayun pag kita-kita sa Laoag ay may mga galit dahil di naka pag papaikture sa lighthouse…. pis to ol na walang pikture… hehe…Pero kahitna ganun eh masya pa din naming pinagsaluhan ang ibat-ibang luto ng longganisa.

     Matapos kumain ay tinahak na namin ang landas patungong Vigan, kaya todo bilis para makapagpaktyur ng may araw pa sa Calle Crisologo.  eh kaso maghahapon na din kami nakarating. Dun na nakumpleto ulit ang grupo namin. Kaya ang sunod na pinagplanuhan eh kung saan naman mag oovernyt…

      At gayon nga ang nangyari kahit gabi na eh tinahak pa din namin ang madilim na daan ng probinsya. Ang plano eh sa may Santiago na maghanap ng matutulugan pero dahil mga bibo lahat at gusto ng makauwi sa Maynila kaya naman tinuloy namin ang byahe hanggang sa may Candon city. Siguro inabot kami ng isang oras sa paghahanap ng sulit na matutulugan… pero dahil lab kami lahat ni Bro eh merong magasawang retired na nagpatuloy sa amin. Bale 120 isang tao overnyt, pero maayos at ok naman ung tinuluyan namin. At talaga nga naman ang aming hapunan ay McDo. hehe

     At kinabukasan sa pang apat na araw eh ung iba ay agahan McDo pa din. Kami simpleng tuyo at itlog ang breakfast buti nalang at talagang mabait yung mayari at nagcompliment ng kape.

 

      At ayun ngakinabukasanaraw ng easter eh sumibat na kami pauwi. hehe. Siguro kulang kulang dose oras na naman na bahe patungong Maynila. Ang naging usapan eh sa kung saan may magandang arko na mag ooath taking yung mga newbies para maging official member. Eh kaso mo eh.. sa lahat ng checkpoint na dinaan namin eh may isang checkpoint na pinahinto kaming lahat… Ayung may mga naiwan na naman…Nahati na naman sa dalawa ung grupo. Di na natuloy ang oath taking kasi kulang na. Kaya nagkita-kits na naman kami sa Capaz, Tarlac na.

     Kala ko kumpleto na kami simula Capaz hanggang Maynila.. Eh kaso nahati na naman ang grupo dahil nag shortcut na naman kami. Pero nagkita-kita pa din kami sa last gas stop sa pampanga. At dun sabay sabay na kami hanggang Monumento.  At dahil dyan eh sa may Monumento na nag oath taking ang mga newbies… hehe.. napaka memorable talga ang oath taking nila dahil sumama sila sa North Loop at nag oat sa may Monumento. hehehe… pis….

 

 

     At ayun dyan nagtatapos ang kwento ko sa loob ng apat na araw ng semana santa. Ang tanong ko sa sarili ko eh may napala ba ako? natutunan? sa pagsama?

     Oo meron akong napala at natutunan. Na hindi puro kasiyahanang pagbyahe kahit na semana santa pa. Na hindi ka pababayan ni Bro kahit anong mangyaro. Sakripisyo din ang pag upo sa motor dose oras umaga hanggang gabi. Di biro. Di talaga biro. Na hindi ka titigilan ngaksidente hanggat di ka natutong magingat. Na di mag kakawalaan kung palaging nakasunod sa plano. Na hindi palaging shortcut ang shortcut. Na hindi lahat ng lalaki ay lalaki. Na hindi totoo na pag nahulog ka sa Patapat bridge ay aanurin ka sa China o Taiwan at makikita mo ang F4. At higit sa lahat, na hindi porke masaya ka sa mga posing mo sa mga larawan eh ibig sabihin eh talagang masaya ka. Na may mga taong kayang itago ang kalungkutan dinadala para maging masaya. Na may mga taong kayang piliing maging masaya kesa anu pa man.

 

 Everybody makes mistakes. But as I grow older; I get wiser. They often judge me by the cover, but they did not open to read it.

 

Posted by maskisa at 4:50 pm | permalink | Add comment

ClubR150 North Loop 2010 Experience

March 28, 2010

APRIL 1 - 4
Posted by maskisa at 5:53 pm | permalink | Add comment