napuna ko kay DARNA
September 9, 2009DISCLAIMER: Ang inyong mababasa at makikitang mga pag-puna ay walang kinalaman sa paninira. Gusto ko lang ibahagi sa mga mamayan ng internet ang mga nakita kong kakaiba sa mga superhero lalong-lalo na kay Darna. Ang mga naisulat ko sa ibaba ay hindi paninira sa Darna at sa mga tauhang gumaganap dito.
….hindi naman talaga ako isang kritiko pero mabilis lang talaga makapuna ang aking mata at utak ng mga bagay-bagay na sa tingin ko ay may kakaiba….
…kagabi gaya ng nakagawian ko kapag walang raket eh nanuod ako ng Darna habang hinihintay ang pag-uwi ni LV. Sa aking panunuod eh tila may napansin akong kakaiba kay Darna. Hindi ko alam kung may nakapansin na din ibang manunuod dito. Medyo bubutingtingin ko ang mga pagiisip ng mga fans ni Darna.
Alam naman ng lahat na ang mga superhero ay ang mga nilalang na pinaka-mabilis magpalit ng kasuotan o kostyum. Ang iba nga eh umiikot lang at….dyyyaaannnaannnn…. superhero na… At ka-akibat ng pagpapalit ng mga anyo nila eh, otomatik na nag-bubulag-bulagan na ang mga sibilyan na kasama ng mga superhero kapa sila ay nasa normal na anyo. Ang ibig ko lang sabihin eh kapag sila ay superhero na eh hindi na sila nakikilala ng mga kaibigan nila. Iyan ay ang kaunti sa aking mga napansin sa mga superhero.
Mabalik tayo kay Darna, alam n’yo bang si Darna ang mayhawak ng kasalukuyang rekord ng babaeng superhero na siyang pinaka-mabilis magpalit ng kasuotan? Sa aking napansin sa tuwing si Narda ay magpapalit anyo bilang Darna eh meron siyang baon palaging isa o dalawang extrang (salawal/saplot) underwear. Sa sunod na manunuod kayo o magbabalak manuod ng Darna eh subukan ninyong tingnan ang aking sinasabi. Pero sa mga walang panahon at ayaw lang talaga manuod ay eto ang ilan sa mga eksena na ginawa kong larawan mula sa Youtube.com :
Base sa mga larawan na iyan eh binilugan ko ‘yung parte kung saan n’yo dapat hanapin yung mga pagkakaiba. Pansinin ninyo na sa tuwing magpapalit na ng kasuotan si Narda bilang Darna ay seksing-seksi pa siya tingnan sa kanyang pang-ibabang saplot (first 2 pics). Ngunit….ngunit…ngunit….. sa oras na siya ay lilipad na at nasa ere na eh pansinin ulit ang pagiba ng kanyang pangibabang saplot. Hindi ko alam ang mga tawag sa ganyang uri ng underwear pero napuna kong lumakiat nagiba ang suot niya. Kung ako ang tatanungin eh para ng naka boxer shorts si Darna sa tuwing lilipad.hehehe… At hindi lang isa ang kanyang pamalit kundi dalawa o siguro higit pa, dahil napansin ko ulit na iba ang disenyo ng (pic #3) at ng (pic #4). Kaya para sa akin eh si Darna talaga ang pinakamabilis na magpalit kasuotan sa mga superheroes na nakita ko dito sa Pilipinas.
PS: Iginagalang ko at naintindihan ko kung bakit ganyan ang itsura ni Darna. Sa mga hindi makakaunawa eh kaya ganyan ang mga kasuotan ni Darna ay para na rin sa kapakanan ng gumaganap na artista. ….Pero…oooops.. pero sana naman eh magawan nila (produksyon ng Darna) ng ibang paraan kung paano maprotektahan ng tama ang gumaganap kasi nagiging katawa-tawa ang kinalalabasan lalo na sa mga nakakapansin.
Ding, ang bato! (at foil…sindihan mo na) - adik na Narda
Previous Comments
Add a comment
→about
![]()
![]()
![]()
→support ME
→search
→latest
→archives
→popular
- The Life Story of a Champion (17664)
- napuna ko kay DARNA (1811)
- Sagicorpio — being a cusp (1354)
- TOTUS TUUS MARIA (1331)
- ang laptop ni Jose Rizal… (1280)
- Pag-ibig at Pagtitiwala (791)
- A love story (illustrated) (694)
- GARAGE BAZAAR SALE AD (688)
- Bobong Pinoy T-Shirts (627)
- Ikaw… Kayo… Ako… Sila… (615)
- latest Twitter API for Pinoys & Pinays (587)
- TODO PATINTERO Press Release (578)
- Little Hayden Kho (578)
- GLOBAL PINOY BAZAAR 2009 (570)
- pamahalaanG MAgulo (527)
- "MAY ARAW DIN KAYO" — CdQ (476)
- Mahiwagang PAYONG (473)
- Self-Evaluation (440)
- i scream "ice cream" (436)
- Inspired by MLQ (427)
- I just remembered… my computer thoughts (413)
- PacMan rock-on! (375)
- Japanese break wi-fi security in 60 seconds (356)
- Bloggable (350)
- spotted: a new poker house (348)

















si darna ay maganda sabi ni ela ???????? ???????? si ela ay gusto nya si darna
Posted by ela giro at November 26, 2009, 4:14 pm