maskisa

Crane toy vending machine

February 22, 2010

      Kamakailan lamang eh aking napagalaman mula sa isang bubwit ang tungkol sa sikreto ng isang amusement center sa Pilipinas. ‘Di umano ay ang kanilang crane toy vending machine (tingnan ang larawan sa kaliwa), ay may sikretong pamamaraan. Ayong kay bubwit, na ang pang-ipit o ung mismong crane ng nasabing vendo ay may nakalagay na limiter. Ang limiter nito ay humihigpit ng humihigpit habang ikaw ay patuloy na naghuhulog ng coins. Kaya naman pala imposibleng manalo dito sa isang hulugan lang eh. hmmm…..

     Sa ngayon eh hindi ko muna isisiwalat kung ilang beses dapat maghulog ng coins para makakuha ng premyo. At hindi ko din muna sasabihin kung saang amusement center ito. Kailangan ko munang manalo ng madaming toys…. Lols….hehehe… Ang akin lang ay isang paalala na huwag masyadong maadik sa mga ganitong laro…. HUHA!!!

Posted by maskisa at 12:38 pm | permalink

Add a comment