maskisa

Ang kwento ng Donut

January 8, 2010

ahmmm… mataga-tagal din ang huling sulat ko dito… gusto ko lang ibahagi sa lahat ang isang maikling kwento na tiyak kong kapupulutan nyo ng aral….sana….

      Marahil alam naman siguro ng lahat kung ano ang nasa larawan sa itaas. P’wes kung d mo pa din alam eh donut ang tawag sa pagkain na ‘yan. Kung tatanungin ang nakararami sa atin, kung anu ba ang una niyong mapapansin.hep hep hep… ang butas na nasa gitna o ang tinapay na bumubuo sa mismong donut? malamang eh ung butas di ba? Mabubusog ka  ba ng butas ng donut? malamang eh hinde.

     Sa makatuwid, parang tao ‘yan… mas madali nakikita ng mga tao ang negatibong bagay kumpara sa mga positibong bagay. Ang sabi nga ni brader Kitt0y eh “kahit na gano karaming kabutihan na ang ginawa mo, ngunit gumawa ka lng ng isang maliit na hindi maganda eh mas matatandaan pa ung mali mong ginawa”.

     Ako napagnilay-nilayan ko at isinasabuhay na sa ngaun ang kwento ng donut. Nawa ikaw ay makapag nilay nilay sa aking munting naibahagi.

     Ang mahalaga sa lahat eh lagi natin isasapuso at isasabuhay si “C”…si Christ….

 

Posted by maskisa at 11:56 am | permalink

Add a comment