maskisa

Sila na mabibilis magmaneho ng sasakyan

December 1, 2009

Naisip mo ba kung bakit madami sa mga mga drayber na mabibilis magmaneho ng sasakyan ay t’yak na kamatayan ang kinahahantungan? Sa palagay ko kasi dahil wala na si Papa Jesus sa kanila. Hindi na nila kasama sa loob ng sasakyan. Marahil nahulog na Siya dahil sa sobrang bilis mag-maneho ng sasakyan.

Marahil ay nakakatawa, pero literal man o hindi ay kailangan ng bawat isa, hindi lang ng mga nagmamaneho, ang gabay ni Papa Jesus.

Kaibigan, hindi mo kailangan’ maging mabilis sa buhay lalo na sa pagmamaneho, ikaw din, baka makabitaw si Papa Jesus.

 

Posted by maskisa at 2:56 pm | permalink

Add a comment