story to tell
November 5, 2009Si K, bente-singko anyos, nagtratrabaho sa yelo. Si Neneng, disi-nuebe (di-tiyak) anyos, nagtratrabaho din sa yelo kasama ni K. At si A, bente-uno (di-tiyak) anyos at nagtratrabaho din sa yelo kasama ng dalawang naunang nabanggit. Matiwasay ang pagsasama ng tatlo dahil para na silang isang malaking barkadahan sa loob at labas ng yelo kasama pa ang ibang mga ke-yelo. May katagalan na din ang relasyon ni K at Neneng (kaya Neneng ang pangalan niya kasi disi-sais anyos palang ata eh sila ni K). Medyo may napapansin na din si K kina Neneng at A (si Neneng may lihim na pagtingin kay A). Hanggang sa dumating ang araw na makakapagpabago ng kanilang buhay….
(K to Neneng)
K: Neng, bakit hindi mo na ko pinapansin?
Neneng: Hindi na kita mahal. May iba na akong mahal…
K: Sino?
Neneng: … si A, pero… pero hinde kami……
K: ha? kelan pa?, bakit d mo pa sinabi nung alam mo na palang may mga doubts ka? bakit mo pa sinasabi at ipinaparamdam na mahal mo ako?……
Neneng: …… hinde ko alam eh… bsata bigla nalang……
K: eh bakit mo pa pinapatagal eh dun din pupunta yun?
(K to A) remember magbarkada sila
K: bakit naman sa dami ng ibang babae ay si Neneng ko pa?
A: Eh.. sa… kasi may na feeeeel ako eh…
*biglang sinapak ni K si A.. sapul ang panga… sa isang iglap bulagta si A sa yelo…dugu-an (imahinasyon ko lang, hindi totoo)
Ang nasusulat sa itaas, bagama’t medyo di kapanipaniwala eh sya namang pawang katotohanan. Siguro mapapangisi ka dahil hindi ikaw ang direktang apektado. Pero wag mo, kahit isang-linggo na ang nakalipas eh kita ko pa din kay K kung gaano kasakit ang pangyayari. Ilang taon din naging sila tapos eh sa isang idlap bigla na lang nawala. At sa kabarkada pa. Mahirap na talaga magtiwala ngayon sa kung sino-sino, lahat nananakaw na.
Alam ko madaling sabihin na ok na, matapos ang isang hiwalayan. Pero ang totoo sa aking nakita, iba talaga. Madaling sabihin, mahirap maipakita. Eh kung ikaw kaya halos araw-araw mong nakikita na magkasama yung dalawa sa trabaho eh pano ka nga naman ba makaka-sulong? Kung ikaw si K anong gagawin mo? (Ako, tatambay sa chaikofi kasama ni K sa loob ng pitong oras at matapos ay pupunta sa intershop ng katropa makikipag inom kasama pa din ni K)
Bukas ang comments para sa inyong mga opinyon at suhestiyon na akin naman ipapa-abot kay K sa aking makakaya.
Add a comment
→about
![]()
![]()
![]()
→support ME
→search
→latest
→archives
→popular
- The Life Story of a Champion (17760)
- napuna ko kay DARNA (1840)
- Sagicorpio — being a cusp (1376)
- TOTUS TUUS MARIA (1350)
- ang laptop ni Jose Rizal… (1296)
- Pag-ibig at Pagtitiwala (806)
- A love story (illustrated) (711)
- GARAGE BAZAAR SALE AD (697)
- Bobong Pinoy T-Shirts (640)
- Ikaw… Kayo… Ako… Sila… (625)
- latest Twitter API for Pinoys & Pinays (591)
- TODO PATINTERO Press Release (582)
- Little Hayden Kho (582)
- GLOBAL PINOY BAZAAR 2009 (581)
- pamahalaanG MAgulo (533)
- "MAY ARAW DIN KAYO" — CdQ (482)
- Mahiwagang PAYONG (476)
- Self-Evaluation (453)
- i scream "ice cream" (443)
- Inspired by MLQ (439)
- I just remembered… my computer thoughts (415)
- PacMan rock-on! (379)
- Japanese break wi-fi security in 60 seconds (359)
- spotted: a new poker house (355)
- Bloggable (354)












