maskisa

Ikaw… Kayo… Ako… Sila…

October 8, 2009

      Bago ang lahat, nais kong ipakilala sa inyo ang isang bagong karakter sa “MASKISA“… si maskiBOT… isang robot na gawa sa karton… gawa ng isang pinoy… isang pinoy na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok… isang pinoy na pasaway… ang layunin ni maskiBOT ay makapagbigay ng inspirasyon sa lahat lalo na ‘yung mga naging biktima at mga napinsala ng nakaraang mga sakuna… (kahit na mga pasaway kayo)

     Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre ay siya ring pagpasok at simula ng pagbabago (kung meron man). Ilang linggo na rin ang lumipas matapos ang pagdaan ng magkakasunod na kalamidad. Ang tanong..Ikaw, kayo, ako, sila??? may pagbabago ba?

     Sa aking pagsubaybay sa mga nakalipas na mga pangyayari ay tila wala akong napansing kakaiba. Sa aking palagay normal pa rin ang lahat. Ang pananalasa ng mga bagyo, lindol, baha atbp ay maituturing na parte ng normal na sistema ng kalikasan… ..na siya namang may kaakibat na mga hinaing, sisihan, turuan atbp… ang mga ito ay maituturing ko pa ring normal…  ang mga taong apektado.. mga biktima ng kalamidad… ay normal din. Ang mga taongnagibibgay ng tulong ay pawang normal din. Lahat na yan ay normal lang. Hindi ba pwedeng maging abNormal naman?

     Hindi naman kailangan na walang maapektuhan tuwing may kalamidad pero sana kahit papaano eh mas konti kesa sa normal. Hindi ba pwedeng walang sisihan, turuan atbp? Kung maysisisihin ay simulan sana sa sarili. Oo! Ikaw, kayo, ako, sila dapat kung maninisi ay wag sa iba kung hindi ay sa ating sarili. Ang kapabayaan ng bawat isa ang nagdulot ng matinding perwisyo.

     Hoy Pinoy! matagal ka ng nagising (sa dami ng mga trahedyang nagdaan)! Ang kailangan mo ay matauhan. Siguro naman sapat na ang mga tulad nito:

at ang mga iba pang mga nawalan ng buhay para ikaw ay kumilos at umasta ng tama.

     Ang mamayan sinisi sa gobyerno ang gobyerno sinisisi sa mga mamamayan kung bakit umabot sa pagkitil ng buhay ang mga nagdaang trahedya. Pero ano ba ang dahilan kung bakit maraming ang dumanas ng katulad sa larawan sa itaas? BAHA! Baha ang sanhi, hindi bagyo. Ngayong anong sanhi ng baha? Isipin mo minsan  na nagtapon ng kapirasong papel, balat ng kendi, tirang pagkain, upos ng sigarilyo atbp mga katulad. Oo! Ikaw, kayo, ako, sila ang mga pawang may kagagawan ng matinding pagbaha na kumitil sa mga inosenteng buhay at nanira ng mga kabuhayan. 

     Ngunit, meron din namang mga suliranin na sana ay nabigyan ng solusyon kung gusto lang talga ng bawat isa.Lalo na kung gusto talagang makatulong at makaiwas sa mga darating pang pagsubok. Ito ay ang ilan sa mga nais kong bigyan ng pansin: (P=problema, S=sulosyon)

P: Pagbaha
S: Palilinis ng kapaligiran. Pamumuhay ng nararapat para sa sarili at sa lipunan. Isipin ang mga maaring maidudulot ng inyong gagawin…para sa sarili at nakararami.

P: Kakulangan ng mga rubber boat, bangka na pwedeng magamit sa pagliligtas.
S: Hindi lahat ng mga apektado ng baha ay malakas ang agos kaya hindi kailangan ang mga de-motor na bangka. Bakit hindi hingian ng tulong ang mga naglalakihang kumpanya ng mga barko. Sa dami na kanilang mga life raft at rubber boats ay siguro sapat na para hindi dumami ang mga nasawi dahil hindi nasagip. Isipino nyo kahit sa isang pampasaherong barko ay may sapat na na rubber boat at salbabida pati mga tauhan.

P: Sa mga relief goods operation at evacuation
S: Hindi kailangan nakikita sa media ang mga ginawang pagtulong. Kung nagkaisa lahat ng organization ay napadali sana ang pag kokontrol sa mga relief operation. Pambihira mga kakandidato sa darating na eleksyon. Siguro kung walang eleksyon ay mas konti pa ang mga donasyon. Pati mga istasyon ng mga telebisyon nagpapatalbugan. Anak ng teteng!

     Ilan lamang yan sa mga napuna ko na pwedeng magawan ng sapat na paghahanda para sa mga darating pang mga sakuna. Hanggang dito na lang itong post na ito.

Posted by maskisa at 3:42 pm | permalink

Add a comment