maskisa

ang laptop ni Jose Rizal…

September 1, 2009

…kahapon holiday…walang pasok..national heroes day…gusto ko sana magpost kahapon tungkol sa mga bayani kaso walang napasok sa utak ko…

…at tamang-tama naman ngayon kahit huli eh may mailagay akong may kinalaman sa bayani.. kahit papaano…

…nakiusap ang aking pinsan na gawan ko siya ng artwork na may kinalaman kay Jose Rizal…ang tema ay “kung sa panahon ni Rizal eh may computer na”… hindi ko talga alam kung paano isasakatuparan yaon… naghanap-hanap ako sa internet ng kung ano-anong bagay na maari kong magamit para makamit ang ninanais ng aking pinsan… kahit lumang litrato ni Rizal na pwedeng magamit ay mahirap hanapin…


…makaraan ang ilang minuto ng pakikipag titigan sa monitor ay nakahanap din ako ng litrato ni Rizal na pwede kong magamit…at eto ang resulta:

 

     Matapos ang pagbuo ng imahe na iyan, eh napaisip din ako na kung ano kaya kung may teknolohiya na mga computer at internet noon… eh dahil nga sa may-kaya ang pamilya Rizal.. malamang sa malamang eh laptop nga ang gamit ni Jose…. Malamang lahat ng mga gawa niya eh naka-save pa sa hard-drive… malamang may mga litrato din siya kuha ng webcam ng laptop niya…siguro maadik din siya sa mga social-networking-sites…. at ma-aadik sa mga laro na kaakibat nito…. siguro din siya ang magiging unang hacker sa Pilipinas…

     Sa aking palagay eh isa naman talagang hacker si Jose, hindi nga lang siya gumamit ng laptop at internet, pero para sa akin siya ang gumawa ng isa sa pinaka unang malupit na malware (virus) na kumalat sa buong Pilipinas, at ito ang nagbigay daan upang mapaigting ng lubusan ang mga damdaming maka-Pilipino at labanan ang mga dayuhang mananakop.

Hindi lahat ng virus ay masama — Jose Rizal

Posted by maskisa at 5:07 pm | permalink

Previous Comments

HAHAHAHAHA!!!! Nakaka tawa yang picture a!!!

Posted by ??? at June 23, 2010, 5:22 pm

Add a comment