maskisa

Pag-ibig at Pagtitiwala

August 21, 2009

Hindi ko alam kung tungkol saan ang itatype ko dito ngayon… gusto ko lang maglagay ng kahit ano pero hindo ko alam kung ano, kaya naisip kong magbisi-bisita ng iba pang blog at ang isa mga napansin ko ay ang mga paksa karaniwan as pag-ibig…LoL… kaya pumasok sa isip ko ang isang pangyayari noon…

     Morning break noon sa aking pinapasukang kolehiyo. Nakagawian na noon tuwing break eh kasabay na din ang pagyoyosi. Kanya-kanyang kumpulan upang makipag palitan ng kuro-kuro sa kahit anong paksa. Noong araw na yun eh ako ang nakauna sa isang hot spot, sa may gilid ng gusali.

      Sa kasagsaran ng aking pagpapalipas oras ay lumapit ang isa sa aking mga kaibigan, si PJ. Tanda ko pa ang paksa namin noon, tungkol sa world cup dahil mangila-ngilan lang naman sa amin ang mahilig noon. Nakuha pa namin ang magpustahan kada laro. Ngunit wala ding nangyari kasi puro bawi-bawi lang ang panalo.

     Hanggang sa bumitaw ng tanong si PJ:

PJ: Pre, pwede bang humingi ng opinyon sayo?
Maskisa: Geh, tungkol saan?
PJ: …sa pag-ibig at pagtitiwala
Maskisa: hmmmm… mukang malalim yan ah… dapat kay doktor lab ka magtanong….


     Naisip ko noon siguro ay may kaguluhan sa isip niya tungkol sa kanyang kasintahan at ginawa pa akong doktor lab. Dahil seryoso naman siya nagtanong at opinyon lang naman ang kailangan nya ay sinagot ko naman… pero kumuha muna ako ng detalye kasi masyadong malawak ng pag-ibig at pagtitiwala lang…

Maskisa: Ano ba ang issue?
PJ: kasi yung gf ko si *toot*, parang may ineentertain na ibang lalaki…
Maskisa: Bakit? dancer ba siya? …biro lang…hehe
PJ: Hindi, Ungas ka! Kasi dalawa cellphone niya, isa para sa G at isa para sa SN…
Maskisa: Oh ano naman?
PJ: Kasi naging issue na sa amin yun dati, nababasa ko minsan meron siyang mga ka-text sa SN. Napag alaman ko yung lalaki isa sa mga kaklase namin sa isang subject. Pero nagkaayos na kami..nagbigay na lang ako para di na humaba ang usapan. Kasi sabi niya dapat huwag nalang akong tumingin sa cellphone para walang mabasa. Kaya noon minsan nakikita ko may binubura syang mensahe…siguro may ayaw siyang mabasa ko
Maskisa: Ah… o eh tapos?
PJ: Eh kasi mangyari ngayon parang nauulit na naman… Alam mo yung pakiramdam ng ano pre, yung na isang lugar kayo, ako, yung gf ko, yung lalaki at iba pang mga kaibigan ng lalaki?
Maskisa: Eh ano nga yun?
PJ: Ayun nga nasa isang lugar nga kayo diba? tapos ang pakiramdam mo meron silang lahat nalalaman pero ikaw lang ang hindi.
Maskisa: Ahhh.. parang gets ko na, siguro kahit hindi silang lahat pero mangilan-ngilan lang?
PJ: Tama, nadale mo batang-bata
Maskisa: Tapos parang nararamdam mong may itinatago yung gf mo at yung lalaking ka-text nito. Kumbaga eh para kang pinagkaisahan?
PJ: Oo tama ka! kasi madalas mabasa ko palagi silang magkatext..halimbawa…kung nasaan siya ngayon… mga goodnyt goodmorning..
Maskisa: Ah selos ba yan?
PJ: Hindi naman sa ganon pero kasi di ba kami na naman tapos eh mag gaganon-ganon pa siya…ok lang naman may kaibigan lalaki, hindi naman bawal pero sana wag yung mga ganoong klase na hindi lang pagkakaibigan ang gusto *puff*

     Kaya nasabi ko na, nagets na kita PJ, at eto ang opinyon ko diyan. Para sa akin dapat kung talagang mahal niyo ang isa’t-isa ay dapat meron ding kakambal na pagtitiwala. Tama nga naman yung gf mo sa pagsabi na wag nalang magbasa. Pero para sa akin dapat ay sinasabi din niya kasi sayo ang mga bagay na ganon. Ano ba naman ang sabihin niya na meron lalaking nakikipag kaibigan sa kanya ngayon. Eh kung wala naman talaga dapat na itago eh bakit hindi niya masabi. Sabi nga ng nakararami eh kung yung mga kasal na eh nasusulot pa eh yun pang hindi diba? Dapat siguro kinausap mo na siya noong una para magkalinawan kayo. Malay mo din kung yun lang yun baka nga meron pang ibang ganung pagkakataon, hindi mo lang nahuli. Ang sa aking lang eh, may tiwala siya sayo eh hindi naman niya masabi ang ganon…pero sa akin lang yon kasi bihira lang ang mga taong ganon kayang magsabi ng ganon. Ang masaklap pa eh para kang napagkaisahan tuwing nagkakasama-sama kayo. Para ka tuloy nagmumukang tanga. Kasi hindi mo alam ang mga detalye, puro ka lang tamang hinala…na sana tama nga para huwag humantong sa kahit saan. Hindi naman siguro manhid yung gf niya para hindi malaman ang totoong pakay nung lalaki sa pakikipagkaibigan. Ang sabi ko sa huli ay kausapin mo na lang ulit siya tungkol dun, tanungin mo siya kung nagkakalagayan na ba sila ng loob para naman makagawa ka pa ng paraan. Ako kasi pag ganun, sasabihin ko na lang na kung mas masaya siya doon at nakikita ko naman eh di hayaan ko na lang silang dalawa, friends na lang kami, panatag pa ang kalooban mo. Hindi na kailangan ipaglaban pa kasi naipaglaban mo na noong una at mahirap ipilit sa mga ayaw magpapilit. Kung ayaw eh di ayaw. At sa katapusan ng aming paguusap ay halos puro ganon lang yung paksa.

     Makalipas ang ilang linggo ay nabalitaan ko na lang na magkaibigan na lang si PJ at yun dati nyang gf.hehe. Ayun nga nagkatotoo ang tamang hinala ni PJ, pero masaya naman sila balita ko. Meron pa sana akong gustong idag-dag kaso eh wala na eh.hehe May mga pagkakataon talagang hindi lang ikaw ang naiisip ng karelasyon mo, kelangan mong tanggapin na ang tao nagbabago, pero kung kayang aksyunan, eh gawan mo agad ng paraan. Kung ayaw magsabi ay wag mo masyadong pilitin, pahapyaw lang.hehe

 

Separately living alone in misery
Blindly coping with the pain my heart
Desperately sitting
In a corner hurting silently
Trying to make a change
But i don’t know where to start

Together, you and I will be together
But nothing last forever
For hearts made of clay
September. time for me to know
You’ve got another
Doesn’t really matter
I just wished you could’ve have stayed
But i know it’s rather late

Bitterly watching a breaking heart
Funny how we never learn
From the very start
Bitterly once, Bitterly twice
Over and over again, we roll the dice

Destiny tommorow is uncertain
It hides inside secretly
Who knows while we’re walking
In the streets one day
Constantly living for the day
Although it’s empty
Waiting in the dark for the light of the day
And dry my tears away

 

— the jerks

 

Posted by maskisa at 1:00 pm | permalink

Add a comment