Mahiwagang PAYONG
July 17, 2009*Ang kwentong ito ay hango sa isang makatotohanang pangyayari sa kasagsaran ng pananalasa ni bagyong Isang.
Araw ng Miyerkules ika-labing-lima ng buwan ng Hulyo, naisapan kong gumising ng maaga para maglaba. Tiwala akong maglaba dahil aking napagtanto na hindi na uulan sa araw ding yun sa kadahilanang bumuhos na ang malakas na ulan kagabi. Tama nga ang aking naisip, hindi na umulan sa araw na yon bagkus ngumiti pa sa si haring araw. Sa kalagit-naan ng aking masayang paglalaba ay may dumating na mensahe na nagsasabi na mapapaaga akong kailangan pumunta sa lokasyon ng aming trabaho kinabukasan. Dali-dali kong tinapos ang aking paglalaba at naghanda na ng aking gamit. Dinala ko lahat ng aking kakailanganin para sa pag oovernight hanggang sa kinabukasan araw ng event. Hindi ko maisip kung bakit ko dinala ang aking payong, na ipinamana sa akin ni gaga. Hindi ko naman talaga ugali na magdala ng payong tuwing ako ay pupunta sa lokasyon ng aming trabaho, maliban na lang kung talagan malakas ang ulan. Pero ‘nung araw na yun ay talaga namang walang ulan hanggang sa makarating ako sa lokasyon, isang hotel sa may Tomas Morato. Dito ko pa din iniisip hanggang makatulog nako ‘nung gabi kung bakit ko dinala ang pabigat ko payong.
Kinabukasan, araw ng Huwebes, ika-labing-anim ng buwan ng Hulyo, (coding ang aming sasakyang panghimpapawid — biro lang), nagising ako dahil sa aking nagwawalang sikmura. Pagbangon ko agad kong binuksan ang kurtina para masilip ang umaga. Medyo madilim pa, kala ko dahil umaga yun pala dahil nagbabadya na ang ulan. Samantala “gutom na ako”, ang sigaw ng aking tiyan, kaya bumaba ako para kumain ng almusal. Medyo nagsisimula ng umambon noon pero hindi ko pa din ginamit yung payong ko kasi nasa tawid lang yung kainan. Ang isip ko, kayang-kayang takbuhin toh.hehe. Pagbalik sa hotel, naisip ko na naman yung payong ko. Lumingon ako sa gawi ng dambuhalang bintana at hindi ko na nakita ang gusto kong makita, ang mga bahay at mga gusali na nakapalibot sa naturang hotel, ay nabalot ng kung anung bagay. Pati mga tao o sasakyan hindi na din malinaw mula sa aking kinatatayuan, kulang na lang na sabihin na nawala na ang lahat dahil sa lakas ng ulan.
Hanggang sa dumating si Jo, isa sa mga kasamahan ko sa industriya, pumunta s’ya para idaan ang camera at ilang mga papeles at resibo bago s’ya lumakad ulit sa iba pa n’yang gawain. Pansin kong basang-basa s’ya simula ulo hanggang paa at sapatos (bigay ko yung sapatos dati na sira, na pinatahi n’ya, na nabasa sa baha). Ng s’ya ay magpaalam matapos kumain, inalok ko s’ya na gamitin muna ang aking payong dahil sa lakas ng ulan. Hindi naman n’ya tinanggihan ang aking alok. Doon ko naisip na yun pala ang dahilan ng pagdala ko ng payong ko. Medyo lumuwag na ang iniisip ko kahit wala naman akong gaanong pagiisip (pero hindi ako mangmang — hehe).
Sa gitna ng programa,medyo nagulat ako at namatay yung ginagamit naming LCD projector. Anak ng tutcha! may tulo pala sa bubong ng hotel. May ilang minuto ding nagbabad pala yung projector kaya namatay. At salamat kay Bro nagawan naman namin ng paraan at umandar ulet ito hanggang matapos ang programa. Pero hindi ko maalis sa isip ko na isipin na hindi kaya ito ang dahilan kung bakit ko dinala ang aking mahiwagang payong?(unti-unti na itong nagiging mahiwaga ngayon—hehe)
Natapos ang programa, nakabalik si Jo may kasama pa si Dodong Labs, nagligpit sila, pati ako kahit konti—hehe. Kasalukuyang nagbaba na ng gamit mula sa Penthouse (limang palapag lang ang naturang hotel kaya malamang sa malamang ang Penthouse ay pang anim—hehe). Dahil sa hindi kakasya sa sasakyang taas-baba (elevator) ang mga huling kahoy na dos por dos por otso, kinailangan ni Jo at ni JP, isa pang kasama namin sa industriya na idaan sa hagdan ang mga naturang kahoy. Kami ni Dodong Labs ang magkasama sa sasakyang taas-baba.
Pagdating namin sa pinakababa. Nadinig namin ang tunog, tunog ng isang kahoy na nahulog. Malamang sa malamang, isa yun sa mga kahoy na binababa nila Jo. Ang masaklap pa, ‘Nak ng tutcha! may tinamaang waiter na paakyat naman sa hagdanan. “Ginapiko ginapala” nagkaroon ng konting komprontasyon tungkol sa pangyayari. Sa mabuting palad, imbis na magsampa o gumawa ng mga ulat tungkol sa nangyari, napagkasunduan namin na ipatingin at ikunsulta sa isang dalubhasa ng ospital ang kalagayan nung tao. Para umikli ang kwento, negatibo naman ang resulto ng x-ray ng ulo nya. Sabi ng dalubhasang sumuri sa kanya na ok naman daw. Bukol lang talaga at gasgas. Sa huli nagkaayos din ang dalawang partido. Suma total sinagot naman namin ang gastusin ng oras ding yon.
Ngunit muling pumukaw sa isip ko ang aking payong, at bakit? Dahil nga sa lakas ng ulan at coding ang aming sasakyang panghimpapawid ay napilitan kami (ako at yung may-ari ng bukol) na mag commute. Dahil doon ay kinailangan na naman gamitin ang aking mahiwagang payong. Pagkatapos noon ay naisip ko na, na ang dahilan ng aking pagdadala ng mahiwagan payong ay para makatulong. Ang buong akala ko ay doon na magtatapos ang mga pangyayaring may kinalaman ang aking mahiwagang payong.
Ika nga ng mga nagbebenta ng samut-saring produkto sa telebisyon, “teka, sandali, meron pa”. Matapos namin maghapunan amin na pagtanto na tatlo lang ang pwedeng sumakay sa sasakyang panghimpapawid dahil puno na ang likod ng mga kagamtian at aparato. At dahil ako ang dakilang martir ng araw na iyon. Ako na ang nagpaiwan para magcommute na lang pauwi. Malakas pa din ang ulan may bonus pang malalim-lalim na baha.
Nagkatinginan kami ng aking mahiwagang payong at parang sinabi n’ya sa akin na kaya natin toh. Simula sa kainan sa tapat ng hotel, nilakad at nilusong ko ang maykalalimang tubig baha dulot ng matinding ulan. Naisip ko na ayos lang mabasa na ang lahat wag lang ang aking ulo. Tiwala ako dahil meron akong mahiwagan payong. Ngunit teka ano itong nararamdaman ko sa aking bunbunan?. Tila baga unti-unti ng bumibigay ang aking mahiwagang payong. Paunti-unti na ang tuolo ng ulan. Imbes na maasar sa aking mahiwagan payong, ay inintindi ko ito. Hindi naman talaga pang heavy-duty na ulan at bagyo ang aking mahiwagang payong. Hanggang sa makarating ako sa EDSA at makasakay bus ay nagpapasalamat ako kay Bro na bingyan ako ng isang mahiwagang payong ng hindi sumuko matapos pagdaanan ang ibat-ibang sitwasyon ng ulan ng araw ding ‘yun. Mula sa pagtatakip sa ulo ni Jo, hanggang sa pagtatakip sa ulo ko at ng biktima ng dos por dos por otso, at hanggang sa mahigit labin-limang minutong paglalakad at pagsalubong sa rumaragasang baha ay nanatiling naka buka at nagbibigay ng serbisyo ang aking mahiwagang payong.
Hindi ko alam kung ang mga nangyari ay pawang pagkakataon lang o talagang may dahilan. Hindi kaya ang aking Anghel de Laguardia ay nagkatawang payong ng araw na iyon? Kayo nalang ang bahalang magisip kung anong gusto ninyong isipin. Kayo na ang bahalang humusga.
Add a comment
→about
![]()
![]()
![]()
→support ME
→search
→latest
→archives
→popular
- The Life Story of a Champion (17760)
- napuna ko kay DARNA (1840)
- Sagicorpio — being a cusp (1376)
- TOTUS TUUS MARIA (1349)
- ang laptop ni Jose Rizal… (1296)
- Pag-ibig at Pagtitiwala (805)
- A love story (illustrated) (711)
- GARAGE BAZAAR SALE AD (696)
- Bobong Pinoy T-Shirts (640)
- Ikaw… Kayo… Ako… Sila… (624)
- latest Twitter API for Pinoys & Pinays (591)
- TODO PATINTERO Press Release (582)
- Little Hayden Kho (582)
- GLOBAL PINOY BAZAAR 2009 (581)
- pamahalaanG MAgulo (533)
- "MAY ARAW DIN KAYO" — CdQ (481)
- Mahiwagang PAYONG (475)
- Self-Evaluation (452)
- i scream "ice cream" (442)
- Inspired by MLQ (439)
- I just remembered… my computer thoughts (415)
- PacMan rock-on! (378)
- Japanese break wi-fi security in 60 seconds (359)
- spotted: a new poker house (355)
- Bloggable (353)












